Simpleng hakbang para maprotektahan ang sarili at iba laban sa COVID19

Ang coronavirus disease (COVID-19) ay isang nakahahawang sakit na dulot ng bagong coronavirus. Narito ang ilang simpleng hakbang para maprotektahan ang sarili at ang iba.

  1. Hugasan ng madalas ang iyong kamay. Ugaliin ang puspusang paglinis ng mga kamay gamit ang hand sanitizer na may alkohol o hugasan gamit ang sabon at tubig.

2. Ugaliing mag disinfect ng mga ibabaw ng mga kagamitan gamit ang wastong disinfectants.

3. Ang wastong paggamit ng masks lalo na kapag nasa pampublikong lugar o kaya ay nakakasilamuha sa mga tao ay importante. Isang malaking tulong ito para maiwasan ang paglaganap ng coronavirus.

Para sa mga kapwa kong Pinoy na nasa United Arab Emirates, tayo ay maging responsable para sa ating sarili at sa iba. Tulungan natin ang Emirates na pababain ang pagtaas ng mga bagong kaso ng COVID19 at pigilan pa ang pagdami nito.

Chronic Multi-tasker | Born and raised in UAE